Woman, behold your son…

DCF 1.0Reblogged from http://www.anluwage.com

IKATLONG SALITA: Babae, narito ang iyong anak. Anak, narito ang iyong ina.

Bente anyos lang po ako noong pumasok sa kumbento. At noong unang gabi, hindi ako makatulog kasi na-miss ko ang Mamang ko. Nasanay kasi ako na mag-goodnight kiss bago matulog, at hinahanap-hanap ko yon. Tumayo ako sa higaan at dumungaw sa bintana – sa tapat nito ay may larawan ng Mahal na Birhen. Hawak-hawak ko ang rosaryo habang nakatingin sa larawan, at nagsabi: “Mama Mary, wala na akong bibigyan ng goodnight kiss dito. Malayo na si Mamang. Hindi ko alam kung makakayanan ko ito – ang maging madre. Pero tinawag ako ni Jesus eh. Mula ngayon, ang rosaryo mo ang hahalikan ko. Huwag mo akong pababayaan ha? Kasi mula ngayon, ikaw na lang ang nanay ko. Ikaw na rin ang bahala sa Mamang at sa aking pamilya.”

Babae, narito ang iyong anak. Anak, narito ang iyong ina.

Sa Huling Hapunan, iniwan ni Hesus ang kanyang katawan at dugo sa tinapay at alak upang manatiling kasama natin sa sakramento ng Eukaristia. Pero habang nakabayubay siya sa Krus, inihabilin niya kung ano ang pinakamahalaga niyang kayamanan: ang kanyang ina at ang kanyang alagad. Ipinaampon niya sila sa isa’t isa. Ipinagkatiwala niya sa pangangalaga ng minamahal na alagad ang kanyang ina. At isang bagong tahanan naman ang ibinigay sa alagad – kung saan may isang inang mangangalaga, mag-aasikaso at kakalinga sa kanya.

Babae, narito ang iyong anak.

Hindi niya tinawag sa pangalan si Maria, ni sa taguring ina, kundi babae. Gayon din niya tinawag ang ina noong sabihan siyang naubusan na ng alak ang bagong kasal sa Cana ng Galilea. “Babae, ano ito sa akin at sa iyo? Hindi pa dumarating ang oras.” Babae – hindi Nanay, Ina, Mama, Ima, Mader!

Sa Cana ginawa ni Jesus ang unang tanda, ang unang himala ng kaharian ng Diyos. Sinimulan niyang buuin ang isang bagong pamilya, ang pamilya ng Diyos – at nagsimula rin ang bagong papel ni Maria. Hindi lamang siya ina ni Jesus – nagsimula rin siyang maging ina ng mga alagad ni Jesus.

Sinikap ni Jesus na bumuo ng isang komunidad mula sa simula – pero parang naging bigo siya. Sa Huling Hapunan nagsimulang magkahiwa-hiwalay ang mga alagad. Ipinagkanulo siya ni Judas. Itinakwil siya ni Pedro. Kumaripas ng takbo at nagtago ang ibang mga apostol. Sa labindalawang pinili niyang magpatuloy ng kanyang misyon, isa lang ang nanatili kasama ng kanyang ina sa paanan ng krus.

Sa kalbaryo, dumating na ang oras ni Jesus. At muli, tinawag niya si Maria na Babae. Sa kadiliman ng paghihirap at pighati, ibinigay niya sila sa isa’t isa. Mabubuo ang isang bagong komunidad – mula sa krus ay iluluwal ang isang bagong sangkatauhan. Sa kalbaryo, tinawag niya ang kanyang ina upang maging patuloy na ina ng mga disipulong iiwan niya, ang komunidad ng mga mananampalataya.

Anak, narito ang iyong ina.

Tapos na ang buhay ni Cristo bilang Jesus, pero mananatili siyang buhay sa bawat isang taong sumusunod sa kanya. Kay Juan, ang minamahal na alagad, ipinagkatiwala niya ang kanyang ina upang kupkupin at alagaan ito, at ang simbahang iniluluwal niya, ang sambayanan ng Diyos.

Noong 2011, naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin nito. Siyam na taon na akong nasa misyon sa ibang bansa nang magkasakit si Mamang. Sinunod nila lahat ang sabi ng duktor at ininom ang mga gamot na inireseta pero unti-unti siyang nanghina, hindi na makakain hanggang maging bed-ridden ng limang buwan. Humingi ako ng permission na umuwi sa Pilipinas para alagaan siya pero bago ako makauwi, biglang namatay ang Papang ko.

Nagalit ako sa Diyos: “Lord, ano ba ito? Di ba may usapan tayo? Susunod ako sa iyo pero ang hiling ko lang ay huwag mong pababayaan ang pamilya ko? Ganito ka ba magmahal?”

Dumating ako sa burol na puno ng dalamhati at noong araw ng libing natakot kaming magkakapatid. Nanghina si Mamang na parang agaw-buhay na rin. Pinaligiran namin siya at nanalangin sa Panginoon at Mahal na Birhen. “Please lang, Lord, huwag muna ngayon. Baka hindi na namin makayanan kung sabay mo silang kukunin!” Habang nagdadasal kami ay biglang nabuhayan si Mamang. Humingi siya ng pagkain at nakapagtatakang nakaupo siyang bigla. Nagpilit siyang sumama sa misa at sa libing ni Papang na naka-wheelchair.

Pagkatapos, tinanong ko siya kung gusto ba niyang lumabas muna ako ng kumbento, mag-leave of absence, para maalagaan ko siya. Ang sagot niya sa akin: “Noong ibinigay ka namin ng Papang sa Panginoon, ibinigay ka namin ng buong-buo. Hindi ko babawiin yon. Huwag kang mag-alala; gawin mo ang misyon mo. Hindi kami pababayaan ng Diyos!”

Dinala namin siya sa Maynila at saka namin nalaman na misdiagnosis pala at iba’t ibang side effects ng gamot ang nagpahina sa kanya. Ngayon po, 85 na si Mamang at malakas na siya. Abala siya sa Block Rosary, sa pagtuturo ng katesismo sa mga bata, sa Cenacle at Legion of Mary, sa paggantsilyo ng rosary purse, at paminsan-minsan sumasali din siya sa Zumba sa plaza ng Sto. Tomas pagkatapos ng misa.

Anak, narito ang iyong ina.

Oo, mahirap ang buhay. Maraming problema at dalamhati. Sa krus, isang bagong sangkatauhan ang iniluwal ni Jesus. Isang sangkatauhang malayang magmahal, mag-alay ng sarili, magtuturo at magpapalaganap ng dakilang katotohanan na anak tayo ng Diyos at magkakapatid tayo.

Pinapaalala niya sa atin: “Ang ina ko na nagmahal at nangalaga sa akin ay kasama mo. Hindi ka niya pababayaan. Lumapit ka sa kanya… Inihahabilin ko sa iyo, maging ina ka rin. Gaya ng pagtangkilik niya sa iyo, buksan mo ang iyong puso, ang iyong mga kamay, ang iyong buhay sa iyong kapatid – mga kapatid na nangangailangan ng iyong pagmamahal. Patunayan mo na tunay kitang alagad!

“Huwag kang manahimik kung inaapi, pinahihirapan, sinasaktan o pinapatay ang iyong kapatid.

“Huwag kang magbulag-bulagan sa katiwaliang nakikita mo dahil nabibiyayaan ka nito.

“Huwag kang maging ingrata – walang utang-na-loob – sa pagtalikod, pagpapabaya, at hindi pag-aasikaso sa mga matatanda – magulang, kamag-anak, o kahit na hindi mo kakilala.

“Isang pamilya lang tayo – huwag mong ipagkait ang pagpapatawad, pagkalinga at pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo araw-araw.”

Totoo po ang sabi ni Mamang. Tapat ang Diyos at hindi niya kami pinabayaan. Katulad ni Maria at Juan, tinatawag niya tayong sumunod sa kalooban ng Ama kahit na magdala ito sa krus. At doon matatagpuan natin ang mga banal at makasalanan, at maririnig ang tinig niyang nagsasabing: “Narito ang iyong ina. Narito ang iyong anak. Narito ako, masdan mo ang mukha ko sa kanila.”

Advertisements
| Leave a comment

MIYERKULES sa ika-18 Linggo ng Taon

Re-blogged from Bagong Umaga

Agosto 09, 2017 – MIYERKULES sa ika-18 Linggo ng Taon

Sabi ni Santa Teresita del Niño Jesus: “Ang puso ng isang ina ang pinakamagandang obra maestra ng Diyos.” At makikita natin ang isang halimbawa nito sa ebanghelyo ngayon.

Naglakas-loob ang inang taga-Canaan na lumapit kay Jesus. Hindi nila siya kalahi at hindi siya sumasampalataya kay Yahweh. Nabalitaan niya na gumagawa ng milagro si Jesus, at alam niya na hindi siya maaring lumapit dito lalo na’t babae siya. Kahit alam niyang walang katiyakan kung siya’y pakikinggan o pagbibigyan sa kanyang kahilingan, lumapit siya nang buong pagpapakumbaba.

Hindi niya ininda ang paghamak sa kanyang pagkatao, basta maidulog lang niya ang anak niyang may sakit. Hindi niya kailangan ang buong tinapay, kahit na karampot na mumo lang, sapat na, gumaling lang ang kanyang anak.

Mga kapatid, anumang suliranin ang pinagdadaanan natin ngayon buong pakumbaba at tiwala tayong lumapit sa Panginoon, at iluhog sa Kanya ang ating mga pangangailangan tulad ng babaeng Cananea.

At sa araw na ito, alalahanin natin ang lahat ng mga ina. Pasalamatan natin ang ating mga ina, kahit hindi Mother’s Day, at idalangin natin na makamtan nila ang biyayang kailangan nila ngayon.

Panginoon, kalingain Mo po ang lahat ng mga ina na may mabigat na suliraning pinagdadaanan sa mga sandaling ito. Patatagin Mo po ang kanilang pananampalataya at pag-asa… Igawad mo po sa kanila ang taimtim na hangarin ng kanilang puso kung ito ang tunay na makabubuti sa kanila at sa kanilang pamilya. Amen.

Posted in Bagong Umaga | Leave a comment

LUNES sa Ika-18 Linggo ng Taon

Re-blogged from Bagong Umaga

Agosto 07, 2017 – LUNES sa Ika-18 Linggo ng Taon

Isang walong-taong-gulang na bata ang namamalimos sa jeep isang araw. Niyaya ko siyang sumama sa akin para pakainin. Sumama naman siya at nagpunta kami sa supermarket para makapili siya kung ano ang gusto niya.

Nang tanungin ko kung ano ang napili niya, hindi siya humingi ng hotdog o spaghetti na karaniwang gusto ng mga batang kaedad niya. Itinuro niya ang tinapay na may keso, isang dosena ang laman ng isang balot, at isang boteng tubig.

Niyakag ko siyang umupo para kumain pero humingi siya ng pahintulot na iuuwi na lang niya.

“Bakit? Hindi ka ba nagugutom?” tanong ko.

Nahihiya siyang tumugon: “Ma’am gutom na rin po ako. Pero, pwede po bang iuwi ko na lang ito para pati si Nanay at si Tatay makakain din?”

Napakaraming katulad nila sa ating mga lansangan na madalas, isang beses lang kumakain sa isang araw. Kahit saan ka lumingon, makikita mo sila, kapatid.

Pwede ka bang magpakain kahit ng isa sa kanila sa araw na ito? Sundan natin ang pagmamalasakit ng Panginoon sa mga taong nagugutom, gaya ng ginawa niya sa ebanghelyo ngayon. Siguro kapos ka din at sinisikap lang na makatawid sa araw na ito. Pero laging merong mas higit na nangangailan sa atin. Magtiwala tayo sa patnubay at kalinga ng Diyos na hindi kailanman malalampasan sa pagkabukas-palad.

Panginoon, buksan mo po ang aming puso at mga kamay upang tulad mo, mapakain din namin ang mga nagugutom sa pagkain, pagkalinga at pag-aaruga. Amen.

Posted in Bagong Umaga | Leave a comment

Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon

Re-blogged from Bagong Umaga

Agosto 06, 2017 – Kapistahan ng Pagbabagong Anyo ng Panginoon

Kapatid, may dinadala ka bang mabigat na problema? Karamdaman? Sama ng loob? Pagdurusa? Malapit ka na bang sumuko o umayaw sa buhay?

Huwag kang bibitaw! Pakinggan mong muli ang ebanghelyo natin sa araw na ito – ang Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon. Bago pa mangyari… alam na ng Panginoon na hirap at sakit ang daranasin niya sa Jerusalem. Kaya’t isinama niya si Pedro, Jaime at Juan sa bundok. Nakita nila ang kanyang kaluwalhatian – at narinig nila ang tinig ng Ama.

Ano ang ibig ipahiwatig ni Jesus sa kanila at sa atin din na mga disipulo niya sa panahon ngayon? Wala sa paghihirap at kamatayan ang huling halakhak. Maaring ito lang ang nakikita natin ngayon dahil sa hirap na ating binabata. Pero huwag nating kalimutan ang luwalhati na nakalaan para sa atin kasama ng Panginoon.

At upang malampasan natin nang matiwasay ang lahat ng hilahil sa lupa, ituon natin ang ating mga mata kay Jesus at sundin natin ang sinabi ng Ama: “Ito ang aking Anak. Ang minamahal. Pakinggan ninyo siya.”

Panginoon, huwag mo pong itulot na mawala ka sa aming pananaw sa araw-araw. Amen.

Posted in Bagong Umaga | Leave a comment

MARTES sa Ika-18 Linggo ng Taon

Re-blogged from Bagong Umaga

Agosto 08, 2017 – MARTES sa Ika-18 Linggo ng Taon

Naaalala mo pa ba nang una kang magbisikleta? O magmaneho ng jeep o kotse? Kinakabahan, natatakot, natataranta – yan ang nangingibabaw na pakiramdam. Kahit anong simula, maging ito’y unang araw sa high school, sa trabaho o sa buhay pamilya – nababalot ng misteryo at puno ng agam-agam at mga tanong.

Gaya ng mga disipulo sa ebanghelyo natin ngayon, “sinasalpok din ng mga alon ang bangka natin sapagkat pasalungat sa hangin.” Kapit lang, kapatid! Huwag mangamba. Darating si Kristo. Lakasan mo ang loob mo!

Maghintay ka sa kanya at huwag mag-atubili kapag tinawag ka niya na lumakad sa dagat. Kumapit ka dahil kapag hawak niya ang kamay mo, anumang unos, kaya mong harapin – titigil ang hangin, titila ang ulan – dahil kasama mo siya.

Panginoong Jesus, natatakot po ako sa maraming bagay. Bulungan mo ako tuwina: “Huwag kang mangamba. Ako ito; huwag kang matakot.” Nang sa gayon maharap ko ang anumang sorpresang inihanda mo para sa akin sa araw na ito. Amen

Posted in Bagong Umaga | Leave a comment

Stand up for life!

No to death penalty

Image | Posted on by | Tagged | Leave a comment

Hacksaw Ridge: A Love Story

This review was written for CBCP CINEMA. Check out full ratings here.

“While everybody else is taking life, I’m going to be saving it. With a world so set on tearing itself apart, it doesn’t seem such a bad thing to want to put a little bit of it back together.”

imageThese words sum up the true story of Private Desmond T. Doss, a conscientious objector (or conscientious cooperator, as he puts it) during World War II, brilliantly portrayed by Andrew Garfield (of The Amazing Spiderman fame) in Hacksaw Ridge.  Like all young men of his time, Desmond enlists to serve his country despite the protests of his father Tom (Hugo Weaving), an alcoholic and wife-beater who is a World War I veteran himself. An earlier experience has turned Desmond into a pacifist and now, training as an army medic, he refuses to carry a gun, not even in rifle training.

This doesn’t sit well with Sgt. Howell (Vince Vaughn), his commanding officer, his company and the army leaders. Ridiculed, bullied and beaten up as a coward he holds on to his principles even when this leads to imprisonment and court martial. His faith in God as a Seventh Day Adventist and the unwavering support of his beautiful wife Dorothy (Teresa Palmer) empowers this simple, ordinary man to do extraordinary things during the Battle of Okinawa. He was the first soldier to be awarded the Medal of Honor without using a weapon.

Hacksaw Ridge is Mel Gibson’s comeback vehicle after a 10-year-hiatus proving that he still has the chops. With effortless mastery Gibson balances the elements of the film from the opening scene to the closing credits. We are shown the sweet innocence of love between Desmond and Dorothy, his religious upbringing, and the circumstances of his choices. Dark violence builds up until the viewer is shocked with the horrors of war through excellent cinematography, well-choreographed battle scenes and a fittingly moving musical score. The inspiring true story of Desmond Doss comes to life through outstanding characterization of the lead actors (Garfield, Weaving and Vaughn) and the rest of the cast, each fitting their role like a glove. Garfield essays the unlikely hero with such honesty, conviction and passion you can’t help but root for him even if you disagree with his principles. Hacksaw Ridge is a wonderful addition to World War films, but it is like no other. Why? Because it shows that the valor of man lies not in aggression and dominance but in faith, love and self-sacrifice without being preachy.

The opening scene sets the tone of the film as we see the conflagration of battle and hear the words of the prophet Isaiah: “Have you not heard? The Lord is an everlasting God, the Creator of the ends of the earth. He will not grow tired or weary, and his understanding no one can fathom… those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles…”

We see Doss, a Seventh Day Adventist, reading the Bible in many occasions and we know he has been praying because he lived by the tenets of his faith. He stood up for God’s command not to kill by refusing to bear arms. Pressured to abandon his convictions, he tells Dorothy: “I don’t know how I’m going to live with myself if I don’t stay true to what I believe.” And in his darkest moment on the battlefield, he talks to God: “I don’t understand… I can’t hear you…” He then hears the wounded soldiers’ call for help and one by one he courageously rescues them to safety, putting his life on the line. By doing so, he not only saves 75 of his companions but inspires the rest of the company to subdue the enemy. Doss’ heroism echo Jesus’ words: “Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends.”

As our country and the rest of world grow weary of reports from more than a hundred ongoing conflicts, Hacksaw Ridge  jolts us by showing the brutal, gruesome, horrific and relentless violence of war. This is what war veterans suffered and what those in uniform go through. And while some may be reduced by war to act like animals, it also calls for the highest virtues of human beings exemplified by Desmond Doss. By being true to himself and relying on God, he saved lives, including the enemies. Hacksaw Ridge challenges us: Are we ready to stand up for our faith? Are we willing to suffer for it? Can we serve our fellow human beings? Unconditionally? In short, are we ready to truly love?

Posted in Movie Review | Tagged , , , , , , | Leave a comment