Ano ang apelyido ng Diyos? What is God’s surname?

nativity

Ito ang tanong ng Santo Papa, sa kanyang homiliya noong December 17. “Kapag gustong magpakilala ng Diyos, sinasabi niya: “Ako ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob.”

Ano ang apelyido ng Diyos? Tayo, bawat isa sa atin. Kinukuha niya ang bawat pangalan natin at ginagawa niya itong apelyido niya. “Ako ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob, ni Pedro, ni Neneng, ni Teresa, ni Ramon, ni Francis, ni Mylene, ng bawat isa. Kinukuha niya ang apelyido niya mula sa ating pangalan. Ang apelyido niya ay ang bawat isa sa atin.”

Habang naghahanda tayo sa pagdiriwang ng Pasko, hinihikayat tayo ni Pope Francis na buksan ang ating puso at hayaan nating Diyos ang gumalaw at magsulat ng kasaysayan ng ating buhay.

Ano ang apelyido ng Diyos? TAYO, BAWAT ISA SA ATIN.

Naging Tao siya upang makiisa sa atin. Sana tayo din makiisa sa kanya at maging De Dios ang apelyido ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon. Maging angkop nawa ang paghahanda natin sa pagsalubong sa Banal na Sanggol, at sa pagdating ng Santo Papa.  

Maligayang Pasko po!

Maaga po ang aking pagbati dahil papunta po ako sa Tacloban para makaisa ng ating mga kapatid na nasalanta ng bagyong Yolanda. Ano nga ba ang Pasko para sa kanila? Abangan nyo po ang kanilang mga kwento.

Humihingi rin po ako ng panalangin, at asahan po ninyong kasama kayo sa aking intensiyon sa Misa de Gallo at mga panalangin araw-araw.

Advertisements

About rosefsp

I am a religious sister (yes, a nun!) from the Daughters of St Paul whose mission is to share the Good News. I love to read, write and take photos.
This entry was posted in Papal Visit PH 2015 and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s