She’s Dating the Gangster. Tagalog movie review.

“Pagmamahal at hindi takot ang nagbibigay buhay.”

Galit si Kenneth (Daniel Padilla) sa ama niyang si Kenji (Richard Gomez) dahil akala niya hindi siya minahal nito, at naging malungkot ang buhay ng kanyang yumaong ina. Pero nagkukumahog siya ngayong papunta sa Legaspi at umaasang nakaligtas ito sa isang airplane crash. Kasama niya si Kelay (Kathryn Bernardo) na gusto ring dalhin si Kenji sa kanyang tiyahing si Athena (Dawn Zulueta) na malapit nang mamamatay. Habang nagbibiyahe ay ikinuwento ni Kelay kay Kenneth ang dakilang pag-ibig ni Kenji at Athena. Noong high school pa sila, pinilit ni Kenji (Daniel Padilla) si Athena (Kathryn Bernardo) na magkunwaring kasintahan nito upang pagselosin ang ex-girlfriend niyang si Athena Abigail (Sofia Andres). Hindi nila inakalang sa pagkukunwaring ito magsisimula ang isang tunay na pag-ibig. Subalit ano nga ba ang tunay na pag-ibig?

Check CBCP CINEMA rating here

Ang She’s Dating the Gangster ay halaw sa isang online nobelang isinulat ni Bianca B. Bernardino na inilathala sa Wattpad. Mahirap isapelikula ang isang nobela dahil madalas ay hindi maisalarawan ito. Sa #SDTG, napakaraming pagbabago ang ginawa ni Carmi Raymundo: mga katangian ng mga tauhan, balangkas ng kuwento, pati ang panahon, etc., at ang katapusan. Para itong pinaghalong Romeo and Juliet at The Fault in Our Stars pero hindi isang karaniwang romantic comedy ang She’s Dating the Gangster. Karaniwang sinasabi kapag naisapelikula ang isang nobela na mas mainam ang libro kaysa sa pelikula. Taliwas ang nangyari sa pelikulang ito. Naging makulay at katuwa-tuwa ang paglipat sa dekada 90 ng kwento, pati na rin ang pagsasalarawan nito at mga kasuotan. Kahit na halatang naka-wig si Bernardo ay magaling niyang naisakatuparan ang kanyang papel bilang Athena. Akma din at bagay kay Padilla ang pagiging gangster – na sa pelikula, maging sa nobela, ay nangangahulugang: “irritating, loud, and he’s not sweet! He’s weird, he smokes, he drinks, he goes clubbing on a weekday, and he fights and bullies a lot… He is very moody and a bit blunt.” Makatotohanan nilang naipamalas ang mundo ng mga kabataan sa panahong iyon, pati na ang mga problemang kinaharap nila. Dahil sa mahusay na pamamatnubay ni Cathy Garcia-Molina, nabalanse niya ang mga eksenang nakakatawa at nakakakilig sa mga eksenang ma-drama. May mga eksenang medyo pilit at masasabing imposibleng mangyari, pero dahil mahusay gumanap ang mga actor ay pwede na itong palampasin. Ipinakita din sa pelikula ang marilag na bulkang Mayon, isa sa Seven Wonders of Nature, at ang kagandahan ng karatig-pook. Nakatulong din ang angkop na musika ng dekada 90.

Natural ang pagrerebelde ng kabataan, pero sa kaso ni Kenji nadagdagan ito dahil sa kawalan ng pagmamahal ng mga magulang. Uhaw sa pagmamahal, handa siyang gawin ang lahat magkabalikan lang sila ni Abigail, kahit na pilitin si Athena na magkunwaring kasintahan niya. Naipakita ng direktor ang “adolescent angst” at ang paglalim ng pagiging magkaibigan at pagmamahalan ni Kenji at Athena na hindi kinasangkapan ang sex. Sa pelikula, pinatunayan din ni Athena ang katapangan hindi lang sa kanyang pamamuhay ng normal sa kabila ng malalang karamdaman, kundi ang magparaya para sa buhay ng iba. Isang anggulo ng pagmamahal ang malakas na isinisigaw ng pelikula – walang pag-ibig na walang sakripisyo. At ang pinaka-malaking sakripisyo ay ang kalimutan ang sarili para sa minamahal. Pero hindi kailangang mabuhay sa takot. Sapagkat sabi nga ni Athena: “Pagmamahal at hindi takot ang nagbibigay-buhay.” Naalala ko tuloy ang isang awitin ni Barry Manilow na nagsasabing: “Letting go is just another way to say I’ll always love you so.” Kay gandang makita sa pinilakang tabing na magagawa ng kabataan ang magmahal nang dakila at tapat, magparaya at magmalasakit, magpatawad at magpakatatag.

Sabi ng isang kabataang nakausap ko, “Parang hindi naman makatotohanan yung magpaparaya sila. Wala nang gumagawa ng ganun ngayon eh. Kapag in-love ka, siyempre gusto mo ikaw ang masaya, hindi ba?” Siguro, dahil bihirang makita ang pag-ibig na walang pag-iimbot sa telebisyon at pelikula, akala ng marami ay hindi totoo at imposible ito. Umabot na sa P130 M sa box office ang pelikula sa unang linggo pa lang. Hindi kaya pagpapatunay ito na maliban sa katanyagan ng mga nagsiganap, pinahahalagahan ng manonood ang panunumbalik ng genuine values sa pelikulang Pilipino?

Advertisements

About rosefsp

I am a religious sister (yes, a nun!) from the Daughters of St Paul whose mission is to share the Good News. I love to read, write and take photos.
This entry was posted in Movie Review and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to She’s Dating the Gangster. Tagalog movie review.

  1. Reblogged this on DON'T LOOK! and commented:
    So insightful! And the fact that it’s Tagalog ❤

  2. Yvette says:

    I am not a KathNiel fan and I grew out of my Richard Gomez infatuation but I liked this film. I also like how it broke out of stereotype where we thought Daniel grew up to be Richard and Kathryn grew up to be Dawn or they are the adults’ children from a different partner but ended up continuing the love stories of their parents.
    https://afu.ac.ae/en/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s