PCNE and the Faith of Filipinos. Homiliya ni Cardinal Chito Tagle.

pcne1Today, we started the Philippine Conference on New Evangelization at the University of Santo Tomas.
More than 6,000 participants from the Philippines and Asia.
What. A. Day!

The opening Mass was fantastic! Truly Filipino – lively, joyful yet heartfelt and reverent. There were periods of energetic celebration and quiet moments of reflection. Beautiful songs, meaningful prayers, etc.

I was moved to tears as I swayed with the group who danced the Caracol. As I listened to the music and tried to sing along. As I watched the dances and gestures of worship. As we held hands and sang the Ama Namin. As we received Holy Communion ahead of the priests and bishops. As we paused in silence.

Over and over, I thanked the Lord for the gift of the faith, and a faith expressed as Filipinos. How blessed am I to be a Filipino, to have faith, to practice it among my people. To understand the words, the gestures, to throb with the rhythm and the dance, to feel the music flowing through my blood. All these express a presence one cannot explain or describe. It just is.

And then to hear our beloved Archbishop, Cardinal Chito Tagle, break the Word of God. What a blessing indeed!

So as I went over the day’s event before retiring, I thought of you who did not have the chance to be with us and to listen to him, lalo na po yung mga kapatid natin sa ibang bansa. Ngayon ko po naramdamang muli ang napakalaking sakripisyo ng mga malayo sa lupang tinubuan. Hindi lang sila nalalayo sa pamilya, sa mga kaibigan, sa sariling bayan. Nalalayo din sila sa sambayanang may natatanging kulay, tunog, sigla at pagpapahayag ng pananampalataya. Siguro po dahil 9 na taon din akong naging OFW.

Sa kasiyahan ko po, parang narinig ko ang Panginoon na nagsabi: “Pwede mo bang ibahagi ang narinig mo?” Kaya heto po ang transcription ng homiliya ni Cardinal Chito.

Nagsimula ho na sabi namin ang Archdiocesan celebration of the Year of Faith and the response to the New Evangelization. Bakit hindi natin buksan para makapiling natin ang iba nating mga kapatid sa Pilipinas? Eh kung binuksan na natin sa Pilipinas, bakit hindi natin buksan sa ating mga kapatid sa Asya? Dahil tayo po ay may espesyal na papel sa misyon ng Simbahan dito sa Asya. At siyempre kasama po natin ang ating mga minamahal na mga kapatid na hearing impaired.

Tayo po ay nagsisimula ng ating maliit na kontribusyon sa Taon ng Pananampalataya at sa panawagan ng Simbahan sa Bagong Ebanghelisasyon na may pag-asa at galak. Subalit hindi rin natin maaaring isa-isangtabi at ipagwalang-bahala ang nangyari lang kahapon. Ang malakas na lindol sa Cebu, sa Bohol… Parang nakakadurog ng puso ang makita, lalo na ang mga antigong simbahan. Mga bantayog ng pananampalataya sa daan-daang taon na ngayon ay napulbos. Hindi natin alam kung magagamit pa. At hindi pa nga tuluyang nakakaahon ang ating mga kapatid sa Zamboanga mula sa karahasan at pagkasira, hindi lamang ng mga bahay kundi ng buhay. Andiyan pa ang paghagupit ng bagyong si Santi. At lahat po tayo ay hindi pa nakakabangon sa paghagupit ng mga nababalita tungkol sa pork barrel, tungkol po sa pinagpaguran ng mga simpleng mamamayan na hindi naman bumabalik bilang paglilingkod sa bayan.

Parang naririnig ko, habang nakikita ko yung mga simbahang antigo na nasisira. Parang naririnig kong muli yung sinabi ng Diyos kay San Francisco, “Itayo niyong muli ang aking simbahan.” Build my Church. Build my Church. Pero paano natin maitatayo ang simbahan kung wala si Jesus na panulukang bato?

Papaano natin maitatayo ang Simbahan kung wala ang kanyang Salita na nagbibigay buhay? Papaano natin maitatayo ang Simbahan kung wala ang  Banal na Espiritu na gagawing buhay na bato ang mga pusong minsan ay singtigas ng bato. Papaano maitatayo ang Simbahan kung wala ang pag-ibig na kumakawala sa sarili upang ang Diyos at ang kapwa, at ang kalikasan ay yakapin. Papaano?… “Hangga’t hindi ang Diyos ang nagtatayo ng gusali hindi ito maitatayo.”

Ito po ang ibig nating maranasan at mapag-ibayo sa Philippine Conference on New Evangelization. Ito po ay maliit na ambag natin para maitayong muli ang Simbahan kay Kristo, sa kanyang Salita, sa Espiritu Santo, sa misyon sa nagbabagong mundo, lalo na sa mundo na parang gumuho na.  Pag-asa sa gitna ng pagguho.

Kaya maganda na nagsisimula tayo sa Santa Misa. Naaalaala natin kung gaano tayo minahal ng isang pumasok sa buhay na para bagang oras-oras ay gumuguho hanggang dumating sa Krus. Subalit sa halip na gumuho siya at ang buong mundo, nagkaroon ng bagong buhay, dahil mas malakas ang kanyang pag-ibig kaysa sa kasiraan ng mundo. At sa pag-alaala natin sa kanya naalaala natin ang kinabukasan na kanyang iniaalay sa atin.

At huwag po tayong magmamalaki. Maganda ang mga pagbasa. Ang mga pagbasa ay nagpapaalala sa atin na maging mapagpakumbaba sa ating misyon ng ebanghelisasyon. Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo,

  1. “Eh paano naman kayong magiging daan ng ebanghelyo, ng mabuting balita, kung nakakalimutan ninyo ang katarungan at pagmamahal ng Diyos?
  2. Papaano kayo makakadala ng mabuting balita kung ang hanap ninyo ay parangal, papuri, ang mga upuan ng dangal. Eh hindi naman pala ebanghelyo ang hanap ninyo kundi pansariling kapakanan. People of ambition look for position but not for mission. Garantisado yan. Ang gusto lang posisyon, pero hindi misyon.
  3. Papaano kayo magiging daan ng mabuting balita kung anu-ano ang inyong ipinapataw sa tao pero kayo hindi ninyo ginagawa ang inyong iniuutos sa iba.”

Kaya tama si San Pablo, “Bakit ka nanghuhusga sa iba? Eh gawain mo rin pala!”Nagulat nga ako nung isang misa eh. Nung dumating yung mga kolektor. Batang pari pa ako noon. Nung nakitang pari ako, hindi ako hiningan. “Bakit hindi nyo kami hiningan. Pwede naman kaming mag-contribute eh.” Kung may kolektor mamaya, daanan nyo kami. If we ask others to give, why can we not give? And why should we not give? Tama ba ho iyon?

So if we open this congress fired up with love for God, for the Church and for mission … knowing that we are also in need of evangelization. The evangelizer, in order to be a real evangelizer needs to be evangelized. We cannot go to the ends of the earth pretending that we are better than the rest. As St Paul said: “We are all bound to be judged.” And so people are in need of renewal.

Kaya po, magsaya tayo. Inaanyayahan po namin kayo na maging aktibo at makiisa sa mga workshops at activities. Hindi lang po kayo tagapakinig. Mahalaga po ang inyong mga kuwento. Mahalaga ang inyong mga pag-asa. Mahalaga ang inyong karunungan at galing. Mahalaga ang inyong mga pighati at mga luha. Pag wala po iyan at hindi ninyo ibinahagi, hindi po magiging matagumpay ang congress na ito.

Only in the weaving of our stories with the story of Jesus and the wider story of humanity especially here in Asia, we will see again the path that the Lord opens to us. To proclaim the Good News with new fervor, with new methods, and with new expressions.

Atin pong ihabilin ang ating kongreso, itong conference na ito, sa kamay ng Mahal na Birhen, ang Ina at Tala ng Ebanghelisasyon. Si Nanay Maria.

Advertisements

About rosefsp

I am a religious sister (yes, a nun!) from the Daughters of St Paul whose mission is to share the Good News. I love to read, write and take photos.
This entry was posted in Updates and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to PCNE and the Faith of Filipinos. Homiliya ni Cardinal Chito Tagle.

  1. Ma. Veronica Gungon, sgbp says:

    Thanks a lot, sr. Rose for sharing!From where I am at least I can be part of the PNEC through your update reflection…am with you spirit and prayer.God be with you!

  2. Sr. Athens says:

    Thank you Sr. Rose for sharing with me your important article. God bless your work now and always.

  3. sr. glenn says:

    Greetings from Johannesburg, South Africa! With much gratitude from the heart for sharing this thought provoking words from Cardinal Chito Tagle. One with you in the Spirit of Renewed Evangelization! Congratulations!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s